Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz, magsasama sa pelikula

Gumiling na ang camera para sa unang pelikulang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Masayang-masaya and excited si Jen sa movie dahil bukod sa first time niya under Star Cinema, natupad na rin ang dream niya na makasama si Lloydie sa isang pelikula.

Matagal nang nasa bucket list na ni Jen na makatrabaho si Lloydie at akala niya’y imposibleng matupad dahil nasa magkaiba silang home network.

Wala pang working title ang Jen-Lloydie Movie kung saan ay ginagampanan ng aktres ang role na stewardess-wannabe habang ang aktor naman ay isang piloto.

Speak Your Mind

*