Jobstreet.com, handang magbigay ng trabaho sa mga OFW

Nakahanda ang jobstreet.com na magbigay ng trabaho sa libu-libong Overseas Filipino Workers na maaapektuhan ng retrenchment sa Middle East.

Ito ang pahayag ni jobstreet.com Country Manager Philip Gioca matapos kumpirmahin ng Migrante-Saudi Arabia ang mass layoff sa may limampung libong OFWS sa Saudi Arabia.

Ayon sa migrante, inabisuhan na ang mga pinoy workers ng kanilang Saudi Employers na Saudi Oger Limited at Bin Landen Company.

Tiniyak ni Gioca na kaya nilang makipagtulungan sa mga pinoy na bumabalik sa bansa na walang trabaho.

Bukod dito, nag-abiso na din ang pinakamalaking oil industry sa saudi arabia na saudi aramco na magbabawas sila ng dalawampu’t limang porsiyento ng kanilang labor force sa mga susunod na araw.

Speak Your Mind

*