Kahalagahan ng pagpapakasal, ipinaalala ngayong Civil Registration Month

Ipinaalala ng Municipal Civil Registrar ng bayan ng Mangaldan, Pangasinan ang kahalagahan ng pagpapakasal ngayong Civil Registration Month.

Ayon kay Aida Rivo-Cera, sa pamamagitan ng pagpapakasal ng pares o matagal ng nagsasama ay magiging legal ang kanilang pagsasama at maging legitimate din ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Cera na sa pagpasok ng bata sa paaralan ay hahanapan ito ng dokumento na nagpapatunay ng apelyido ng kanyang tatay.

Sa mga nag-aabroad rin ay karamihang problema ng mga bata ang middle name nito kapag hindi kasal ang kanyang mga magulang.

Batid naman ng nabanggit na civil registrar na sa ngayon ay maraming nagsasama na hindi pa rin ikinakasal.

Dahil dito ay isinakatuparan ng kanyang opisina at ng Mayor’s Office ang kasalang bayan noong Biyernes na ang lumahok ay 88 na pares.

Speak Your Mind

*