Kahalagahan ng peace covenant signing, iginiit ng Binmaley PNP

Binigyang diin ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang kahalagahan ng peace covenant signing sa pagitan ng mga kandidato para sa may 2016 elections.

Ayon kay P/Supt. Mona Liza Asis, hepe ng Binmaley PNP na mahalagang makuha sa mga pulitiko ang kanilang mga commitment para sa ligtas at mapayapang halalan.

Hiling ni Asis na maging magkaroon ng isang salita ang mga kandidato na kapag nagkaroon ng covenant signing ay panininidigan nila ang kanilang pirma na maging instrumento para sa mapayapang halalan.

Samantala, ipinaliwanag ng hepe ng Binmaley na hindi natuloy ang itinakdang peace covenant signing noong martes dahil hindi available ang ilang mga kandidato.

Tiniyak naman nito na magaganap ang peace covenant signing sa bayan sa susunod na mga araw.

Handang-handa naman na aniya ang kapulisan para sa nasabing aktibidad.

Speak Your Mind

*