Kakulangan ng suplay ng bangus sa bayan ng Sual, ramdam na

bangus productionRamdam na ang kakapusan o shortage sa suplay ng bangus sa bayan ng Sual, isa sa pangunahing produksyong sa lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa dating animnapung toneladang bangus na inaani kada araw bumagsak na ito sa apatnapung tonelada kada araw.

Ayon kay florencia guanzon, agriculture officer ng sual, dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon mabagal lumaki ang isda dahil tamad silang kumain.

Maliban sa nararanasang paglamig ng temperatura tuwing madaling araw, ramdam narin ang pagtaas ng salinity level sa lugar na lubhang nakakaapekto sa mga alagang isda.

Payo naman ni guazon na bantayang mabuti ang mga alagang bangus upang hindi ito mauwi sa pagkalugi.

Speak Your Mind

*