Kampanya kontra hindi lisensyadong mga baril, pinaigting ng PRO1

Pinaiigting ng Police Regional Office One (PRO1) ang kampanya kontra hindi pa lisensyadong mga baril

Ayon kay Chief Supt. Ericson Velasquez, Regional Director ng PRO1 sa pagpapatupad din ng kapulisan ng oplan katok ay nabisita na nila ang abot sa 1,869 na gun-holders.

Dahil dito, aabot sa 119 na iba’t ibang klase ng baril ng nakumpiska ng pro1 sa lalawigan ng Pangasinan ay 62 na baril, sa La Union naman ay 21, habang sa Ilocos Sur ay 23, at sa Ilocos Norte naman ay 13 na armas.

Kaugnay nito, pinapapaalalahanan ng ahesya ang mga gun holders ng mga kinakailangan sa firearms law lalo na ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF).

Base sa tala ng PRO1 ay aabot na sa 84 na mga kandidato at 265 na mga sibilyan ang ipinagkatiwala pansamantala ang kanilang mga baril sa kapulisan dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng Comelec gun ban.

Speak Your Mind

*