Kampanya kontra kitong, pina-igting sa Pangasinan

Mas pinaiigting ngayon ng Region 1 Medical Center (R1mc) ang kampanya laban sa sakit ng kitong sa pamamagitan ng Leprosy Control Program matapos ang mataas na kaso nito sa lalawigan.

Nabatid na noong 2014, abot sa isandaan dalawampu ang naitalang kaso ng kitong sa lalawigan at ito ay mula sa mga baya ng Bayambang, Sta. Barbara, Malasiqui, Anda, Bolinao, Urdaneta at Dagupan city.

Ayon kay Dr. May Gonzales, Coordinator ng Leprosy control Program ng R1MC ang sakit na leprosy ay endemic sa rehiyong uno at mas mataas ang naitatalang kaso nito sa ibang probinsya.

Ipinaalala naman ni Gonzales na sakaling makaranas nang matagal na pangangati sa balat ay agad na magpakonsulta sa mga doktor upang maagapan ang posibleng pagkakaroon ng kitong.

Speak Your Mind

*