Kampanya kontra kriminalidad, mas palalakasina- BPPO

Higit pang palalakasin ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang kanilang kampanya laban sa droga, sugal at prostitusyon sa 21 bayan at tatlong component city kaalinsabay ng reshuffle ng Mga police Chief sa lalawigan.

Ayon kay P/Senior Supt. Timoteo Pacleb, Officer-in-Charge (OIC) ng BPPO, may direktiba na siya sa mga police station na higit pang palakasin ang kampanya kontra kriminalidad

Bukod pa aniya dito ang sa pagmamanman sa mga nasa top ten list ng most wanted criminal sa mga siyudad at bayan.

Nabatid na talamak din sa lalawigan ang pagkalat ng mga VK machines, jueteng at pagdami ng commercial sex workers.

Kabilang sa mga bayang nakabilang sa reshuffle ng Chief of Police (COP) ang San Jose del Monte City, Balagtas, Plaridel, Sta. Maria, San Miguel, San Ildefonso, Angat, Norzagaray at Baliwag.

Speak Your Mind

*