Kampanya kontra terorismo, pinagtibay sa Sunnyland Declaration

Pinagtibay ng US at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kampanya laban sa terorismo at extremismo sa rehiyon.

Ito’y kasunod na rin ng pagtatapos ng dalawang araw na pagpupulong nina US Presdient Barack Obama at mga lider ng ASEAN kabilang na si Pangulong Noynoy Aquino sa California, USA.

Pinagtibayan din dito ang pagsugpo sa problema ng human at drug trafficking, iligal na pangingisda at pagpupuslit ng mga wild animals at punong kahoy.

Gayundin ang pagresolba sa climate change kabilang na ang pagpapatupad ng Paris Climate Agreement.

Speak Your Mind

*