Kampo ng MILF, binisita ni Mayor Rodrigo Duterte

Binisita ni Presidential Candidate Rodrigo Duterte ang kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Darapanan sa Maguindanao.

Paglilinaw ni Duterte, na ang kaniyang pagbisita sa MILF ay hindi bahagi ng kaniyang campaign trail bilang kandidato.

Ayon kay Duterte, personal niya itong kagustuhan upang maglatag ng bagong proposal sa MILF Central Committee kaugnay sa hindi naipasang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Depensa pa ng alkalde na ang MILF ay apolitical at walang pinapanigang kandidato dahil isa itong grupo ng mga rebelde na komokontra sa gobiyerno.

Sinabi pa ni Duterte na sa kaniyang pagtungo sa Camp Darapanan ay hindi niya nakausap si MILF Chairman Al Haj Murad bagkus ang humarap sa kaniya ay si Milf First Vice Chairman Gadzali Jaafar.

Speak Your Mind

*