Karagdagang puwersa ng kapulisan sa bayan ng Bayambang, kinumpirma

Nilinaw ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang pagbibigay kamakailan ng karagdagang puwersa ng kapulisan sa bayan ng bayambang ngayong nalalapit na ang halalan.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operations ng PPPO, hindi ibig sabihin na talagang magulo ang bayan.

Sa panayam ng sonshine radio kay Candelario ay ipinaliwanag nito na ang nasabing bayan ay boundary ng Tarlac kayat hindi lamang mga kandidato at mga Private Army ang binabantayan kundi ang posibleng pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot.

Puspusan rin ang pagbabantay ng kapulisan sa mga magnanakaw na ang kanilang tinatakbuhan ay mga boundaries.

Iginiit ni Candelario na very strategic ang Bayambang para lagyan ng karagdagang police personnel para masabat nila agad ang mga magnanakaw at kriminal.

Sa ngayon ay bayambang police station lamang ang binigyang ng Police Regional Office One (PRO1) ng karagdagang puwersa.

Speak Your Mind

*