Kaso ng newcastle disease, wala umanong dapat ipangamba sa Pangasinan

chicken-farmWala parin umanong dapat ipangamba ang mga poultry farm sa lalawigan ng Pangasinan kahit pumalo na sa mahigit isandaang libong mga manok ang namatay dahil sa Newscastle Deseas.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Eric Perez, hindi ito nakakaalarma dahil hindi tumataas ang number cases na una nang nareport sa kanilang tanggapan.

Bukod dito, wala pa rin naman aniyang naiuulat na commercial poultry farm ang apektado ng news castle deseas mula sa labing apat na bayan na una nang nakapagtala ng naturang kaso.

Inaasahan namang darating ngayong buwan mula sa Department of Agriculture Regional Office ang karagdagang free vaccine para sa mahigit 1.2 milyong alagang manok na kailangang bakunahan.

Nabatid na nagkukulang na ang suply ng bakuna para sa news castle deseas ang mga commercial agricultural supply.

Speak Your Mind

*