Kaso ng pang-aabuso sa Women and Children sa Pangasinan, tumaas

Tumaas ang kaso ng pang-aabuso o violence against women and children sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Batay sa tala ng Pangasinan Provincial Police Office o PPPO, pumalo na sa tatlong daan animnaput walong (368) kaso ng pang-aabuso ng mga kababaihan at limamdaan labing walo (518) kaso naman ng pang-aabuso sa mga bata.

Karamihan naman sa mga biktima ay nasa edad dalawamput anim hanggang tatlumpo (26-30) taong gulang para sa mga kababaihan at edad labin apat hanggan labin anim (14-16) at ang mga itinuturong mga suspek ay kalimitang hindi kamag-anak.

Ayon kay P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Police Information Officer ng PPPO na pag-aabuso ay hindi lang nakukuha sa physical kundi sa mental na maaring magresulta ng truma sa mga bata.

Kahit aniya hindi sinasaktan ang mga bata kung ginagamitan naman ito ng masasakit na salita tulad ng pagmumura ay matatawag na itong pag-aabuso.

Speak Your Mind

*