Kawalan ng access ng Comelec sa vote counting machines, inalmahan

Umalma ang ilang mga kritiko sa kawalan ng access ng Commission on Elections (Comelec) sa vote counting machines sa araw ng halalan.

Ayon sa dating mambabatas na si Glenn Chong, paano matitiyak ng Comelec ang wastong sistema ng bilangan kung sila mismo ay walang alam sa takbo ng mga makina.

Maging si dating Comelec Commissioner Augusto Lagman ay hindi sang-ayon sa ganitong pamamaraan.

Paliwanag ng Smartmatic Technology, sinadya ito para walang paraan upang ma-manipulate ang makina pabor sa sinumang politiko.

Sa panig ng Comelec, sinabi ni Chairman Andres Bautista na sa pagtatapos na lang gagalaw ang poll body para suriin ang naging takbo ng proseso.

Pinalagan naman ito ng United Nationalist Alliance (UNA) dahil sa pangambang sa Smartmatic mismo idaan ang posibleng manipulasyon sa bilangan ng boto.

Speak Your Mind

*