Kontrobersyang kinakaharap ni Manny Pacquiao, hindi makakaapeko sa laban kay Bradley

Hindi tiyak ni Top Rank Promoter Bob Arum kung makakaapekto ang kontrobersyang kinakaharap ngayon ni Manny Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban kay Timothy Bradley.

Ayon pa kay Arum, posibleng lalong magkaroon ng interes ang publiko sa laban dahil sa naturang kontrobersya.

Inihalimbawa pa ni Arum si Donald Trump na patuloy na nakakakuha ng suporta sa kabila ng pagiging kontrobersyal.

Nakipag-usap na rin si Arum sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz at ipinuntong ang mahalaga ay humingi na ng paumanhin ang boksingero.

Speak Your Mind

*