Leonardo di Caprio, nasungkit ang Oscars Best Actor Award

Matapos ang pang-anim na nominasyon, nasungkit na rin ni Leonardo di Caprio ang pinaka-unang Best Actor Award sa Oscars para sa pagganap sa pelikulang “The Revenant”.

Tinalo ni Leonardo sina Bryan Cranston, Matt Damon, Michael Fassbender at Eddie Redmayne para sa best actor title.

Nakuha rin ng The Revenant ang Best Cinematography at Best Director naman para kay Alejandro Iñárritu.

Humakot din ng awards ang action film na “Mad Max: Fury Road” sa katatapos lang na Oscars 2016.

Kabilang sa mga awards na nakuha ng pelikula ang Best Costume Design, Best Production Design, Best Makeup and Hairstyling, Best Film Editing, Best Sound Mixing, at Best Sound Editing.

Inuwi naman ng pelikulang “Spotlight” ang Best Picture Award.

Nakuha rin ng animated film na “Inside Out” ang Best Animated Feature Award kung saan co-director ang pinoy na si Ronnie del Carmen.

Speak Your Mind

*