Libu-libong empleyado ng probinsya, nakisaya sa Employee’s Family Day

Nakisaya ang libu-libong empleyado ng Provincial Government ng Pangasinan sa isinagawang Employee’s Family Day na ginanap sa Provincial Training and Development Center sa bayan ng Lingayen.

Iba’t ibang libreng serbisyo ang inialay sa mga empleyado ng iba’t ibang opisina ng probinsya, pati na rin mga nagtatrabaho sa pampublikong ospitals sa lalawigan.

Kabilang sa mga serbisyo ay ang massage and reflexology at hair and beauty care kasama na ang manicure, pedicure, foot spa, hair cut at hair coloring.

Isa sa mga empleyado na talagang nag-aabang sa taunang aktibidad sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Amado Espino Jr. ay si Cristita Quinto ng General Services Office (GSO).

Sa panayam ng sonshine radio kay Quinto ay sinabi nito na minsan lang siyang nakakapag-pakulay ng buhok sa loob ng isang taon, at ito ay tuwing employee’s family day.

Sinabi niya na malaking tulong ito sa kanya dahil nakatipid siya sa gastos, lalo’t mahal ang pagpapakulay ng buhok.

Speak Your Mind

*