Lugar na kabilang sa election watchlist areas, maaari pang mabago – PPO

Pabago-bago ang pagkakahanay ng mga bayan at syudad na kasama sa Election Watchlist Areas (EWAS) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ipinaliwanag ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy for Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na kumporme ito sa mga insidente na nangyayari o ang update ng political climate sa isang lugar.

Sinabi ni Candelario na kapag nananatili ang kainitan ng pulitika sa isang lugar ay hindi pa rin ito aalisin sa listahan.

Ayon pa kay Candelario na ang pinagbabantayan sa pagkakabilang ng isang lugar sa ewas ay ang mga insidente na ang biktima o suspek ay nasa linya ng pulitika.

Kapag may insidente na mag-aangat sa bayan sa kinalalagyan nitong ranking ay ilalagay siya duon.

Tinatanggal rin ang mga ito sa EWAS sa kapag namomonitor na normal na ang kaganapan sa isang lugar.

Speak Your Mind

*