Lumabag sa Election Gun Ban, umakyat na sa 1,561 – PNP

Umakyat na sa 1,561 ang naitala ng Philippine National Police na lumabag sa ipinatutupad na Comelec Gun Ban simula noong Enero a-diyes ng taong kasalukuyan.

Karamihan sa mga ito ay sibilyan na umaabot sa 1,501, habang labinlima dito ay mga government officials, labing isang pulis, anim na sundalo, dalawampung security guard, isang bombero, dalawang cafgu at limang miyembro ng iba pang law engorcement agencies.

Samantala, umaabot naman sa 1,173 na mga firearms at 14,818 na mga deadly weapons ang nakumpiska ng pulisya sa mga isinasagawang checkpoints sa buong bansa.

Dahil dito, tiniyak ng PNP na mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya sa mga loose firearms habang papalapit ang eleksyon sa mayo.

Speak Your Mind

*