Mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, may plano nang magka-baby

May plano na ang sweet couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na magka-baby na ngayong Year of the Monkey.

Ayon kay Iya, walang pressure at hindi sila nagmamadali ng kaniyang asawa na magkaroon ng baby.

Binigyang diin ni Iya na nag-eenjoy pa sila ngayon ni Drew sa kanilang buhay mag-asawa at nasa adjustment period pa ang kanilang pagsasama.

Ang pagkakaroon aniya ng anak ay isang hamon sa buhay mag-asawa at bahagi rin aniya ito sa pagpapatatag ng kanilang relasyon.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Iya sa full support na ibinibigay ng kaniyang asawang si Drew sa kaniyang showbiz career.

Tanging sina Iya at Drew sa showbiz couple, ang tumagal ng labing isang taon bilang magkasintahan bago nauwi sa bonggang kasalan ang relasyon.

Speak Your Mind

*