Magsasaka, pinayuhan na magtanim ng mga high-value crops

Pinapayuhan ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) ang mga magsasaka na ngayong mainit ang panahon ay magtanim ng mga high-value crops.

Kabilang sa mga maaaring itanim ay ang kamatis, talong, monggo, saluyot, petsat at sitaw.

Sinabi ni Nestor Batalla, Assistant Provincial Agriculturist na ang mga nabanggit ay hindi nangangailangan ng maraming patubig.

Dagdag nito na ang mga high value crops ay madaling itanim, alagaan at anihin.

Speak Your Mind

*