Mahigit isang libong kooperatiba, rehistrado sa CDA-Region 1

Aabot na sa 1,506 ang rehistradong cooperatives sa Cooperative Development Authority (CDA) Regional Office One.

Sinabi ni Regional Director Josefina Bitonio na sa mga rehistradong kooperatiba ay 68 porsyento ang nagpupunyaging maka-ahon, habang, 32 porsyento naman ang Millionaire Coops.

Idagdag pa sa nabanggit ang tatlong Billionaire Coops sa rehiyon uno.

Ang komposisyon ng kooperatiba ay 68 percent na micro, 22 percent na small, 7 percent na medium at 1.9 percent na large.

Kinumpirma naman ng CDA-Region One na labing-walo ang klase ng cooperatives sa rehiyon.

Ito ay kinabibilangan ng advocacy, agriculture, arc, bank, consumers, credit, dairy, electric, federation, health, housing, marketing, multi-purpose, producers, service, transport, union and workers.

Speak Your Mind

*