Mahigit na 10 milyong residente sa New Delhi India, walang tubig

Nasa mahigit na sampung milyong residente ng New Delhi sa bansang India ang walang suplay ng tubig sa ngayon.

Ito ay makaraang isabotahe ng mga raliyista ang kanal na dinaraanan ng suplay ng tubig patungong Delhi.

Batay sa taya ng Delhi Water Board, aabutin pa ng tatlo hanggang apat na araw bago tuluyang bumalik sa normal ang suplay ng tubig sa lungsod.

Dahil dito, maraming paaralan ang pansamantala munang nagsara.

Speak Your Mind

*