Mananalo sa Pacquiao-Bradley fight, posibleng bigyan ng award

Pacquiao-Bradley fightPinag-aaralan na ngayon ng World Boxing Organization (WBO) ang pagbibigay ng isang special awards sa mananalo sa Pacquiao-Bradley fight sa Abril a-nuwebe.

Pormal na kasing binitiwan ni Timothy Bradley Jr. ang kaniyang WBO Welterweight Title matapos na piliing makalaban si People’s Champ Manny Pacquiao.

Sa liham na ipinadala ni Bradley sa WBO, hindi na niya maisasakatuparan ang kaniyang mandatory obligation sa WBO.

Ayon kasi sa utos ng WBO, si Sadam Ali dapat ang kaniyang makakalaban ngunit may nakatakda na silang laban ni Pacquiao.

Ani Bradley, isang mahirap na desisyon ang kaniyang ginawa, pero mas pinili nitong mabigyan ng magandang laban ang kanilang mga fans.

Speak Your Mind

*