Mangaldan PNP, naka-half mast dahil sa pagkamatay ng kanilang kabaro

Naka-half mast ngayon ang bandila ng Mangaldan Police matapos masawi ang isa nilang kasamahan.

Kinilala ang nasawi na si SPO2 Ronald Allan Tiu, cuarentay tres anyos.

Si SP02 Tiu ay rumespondi sa likod ng palengke kasama si p03 Manuel Landingin para sa Oplan Sita nang may nagsumbong sa pulisya na isang lalaki ang nakitang may baril sa likod ng palengke.

Ayon kay Supt. Benjamin Ariola, hepe ng Mangaldan Police Station nilapitan at kakausapin sana ng mga pulis ang suspek ngunit binaril niya si SPO2 Tiu.

Nakipag-pambuno naman si SPO3 Ladingin sa suspek na si Felix Alvarez, pitumpung taong gulang at isang pedicab driver para makuha ang baril ngunit tinaman naman ang suspek, na ikinasawi nito.

Speak Your Mind

*