Manny Pacquiao, nag sorry na kanyang komento hinggil sa same sex marriage

Agad namang humingi ng “sorry” si Saranggani Representative Manny Pacquiao sa kaniyang komento laban sa same sex marriage.

Una ng ikinumpara ng mambabatas ang mga homosexual na mas masahol pa sa hayop.

Umaasa si Paquiao na patatawarin siya ng mga taong nasaktan sa kaniyang naging pahayag lalo na sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Family.

Gayunpaman, iginiit pa rin ni Pacman na patuloy niyang kinokondena ang same sex marriage dahil ito raw ay nakasaad sa bibliya.

Una ng umani ng batikos ang konresista dahil sa kaniyang pahayag na umanoy kababuyan ng mga bakla at tomboy sa komunidad.

Speak Your Mind

*