Maria Sharapova, umatras na sa Qatar Open dahil sa arm injury

Mario SharapovaTuluyan nang umatras sa Qatar Open si Tennis Star Maria Sharapova dahil sa tinamong arm injury.

Ayon kay Sharapova, hindi na niya isusugal ang kanyang laban kapag siya ay may injury.

Nakuha ni Sharapova ang injury sa left forearm noong nakaraang taon habang nagsasagawa ng warm-up sa Brisbane.

Bigo ring makapaglaro si Sharapova sa Fed Cup Quarterfinals noong nakaraang linggo.

Speak Your Mind

*