Mas mabigat na multa sa pasaway na Telcos, isinusulong ng isang senador

Nais ni Sen. Bam Aquino  na patawan ng mas mabigat na multa at parusa ang pasaway na Telecommunication Companies na lalabag sa anumang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon sa Aquino, dapat patawan ang pasaway na telecom firms ng mula P300,000 hanggang P5 million sa bawat araw na paglabag sa certificate, authority, resolution o regulation ng NTC.

Binibigyan ng karapatan ang NTC na dagdagan ang multa sa loob ng limang taon, batay sa certification mula sa National Economic Development Authority (NEDA).

May karapatan na rin ang NTC na patawan ng P300-milyong multa sa Public Telecommunication Entities na gagawa ng anumang bawal na pagkilos o di tutupad sa kautusan.

Kapag naisabatas, nakikita ni Sen. Aquino ang pagganda ng mabagal at mahal na Internet, na ikinadidismaya ng milyun-milyong Pilipino.

Speak Your Mind

*