Mass Wedding, isinagawa sa dalawang bayan sa Pangasinan

Anim-na-pu’t apat na pares ang ikinasal kahapon sa bayan ng Calasiao, Pangasinan sa pamamagitan ng mass wedding.

Ang seremonya na ginanap sa isang mall ay pinangunahan nina Mayor Mark Roy Macanlalay at Vice Mayor Roy Macanlalay.

Ayon kay Mayor Macanlalay, isinagawa ang kasalang bayan para mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kababayan na matagal nang naninirahan sa isang bubong na maging legal ang kanilang pagsasama.

Isang pares ang binigyan ng parangal ng Civil Registrar Officer bilang longest live-in partner.

Matapos ang limampu’t isang taon ng pagsasama ay nakapag-disisyon silang ikasal at naging bahagi ng mass wedding kahapon na nataon na Valentine’s Day.

Nabiyayaan ang mag-asawa ng labing-tatlong anak.

—–

Samantala, walumpu’t walong pares naman ang nakilahok sa civil mass wedding na ginanap sa munisipyo ng bayan ng Mangaldan.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong Pebrero.

Sa naganap na kasalang bayan na pinangunahan ni Mayor Bonafe Parayno de Vera ay pinayuhan nito ang mag-asawa na bawal ang physical, mental at verbal abuse.

Ayon kay Mayor Parayno, kasama niya si Fourth District Congresswoman Manay gina de Venecia na tumayo bilang ninang ng mga ikinasal.

Binigyan rin niya ng regalo ang kanyang mga inaanak.

Speak Your Mind

*