Maynilad, inaalam pa ang pinagmulan ng tagas ng nasirang tubo ng tubig

Tinatayang nasa apat na libong customer ng maynilad sa Sampaloc at Sta. Mesa, Maynila ang apektado ng nasirang tubo ng tubig sa lugar.

Inabot na rin ng baha ang bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard at Altura.

May ilan namang nasaktan at mga nadulas sa pagtawid sa ragasa ng tubig sa lugar.

Dahil dito, naglagay na rin ng pansamantalang tulay ang mga residente para maiwasan na ang aksidente.

Sa panayam ng sonshine radio kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, sinabi nitong may schedule repair talaga ang Maynilad sa lugar.

Dagdag pa ni Laxa, inaalam pa nila ang pinagmulan ng leak kaya’t mas malawak pa aniya ang maaaring maapektuhan ng pagkawala ng tubig.

Bagamat aminadong matatagalan, ginarantiya naman ni Laxa na inaalam na nila ang pinagmulan ng tagas ng tubig.

Speak Your Mind

*