Mga Dagupenyo, hinikayat ng kumuha ng Postal ID

Hinihikayat ng postmaster ng Dagupan City Post Office ang mamamayan na kumuha ng Postal ID.

Sa panayam ng sonshine radio ay sinabi ni Diosdado Garcia na kung dati ay paper based lamang ang Postal ID ngayon ay Generated Card o parang ATM dahil gumagamit na sila ng biometrics machine.

Tiniyak kay Garcia na istrikto ang pagtanggap ng Post Office ng aplikasyon lalo na ngayong ang Postal ID ay tinatanggap na ng ilang financial institutions bilang Identification Card.

Mayroon rin aniyang memorandum na kailangan ng Postal ID sa pag-aaplay ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs.

Sa pagkuha ng Postal ID ay magbabayad ang aplikante ng 370 pesos, karagdagang 40 pesos na delivery fee at 12 percent Vat.

Speak Your Mind

*