Mga kandidato, bawal mangampanya sa mga graduation – DepED Region1

Muling iginiit ng Department of Education (Deped) Region 1 na bawal mangampaya ang mga politiko sa graduation ng mga grade 6 student sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ngunit sinabi ni Darius Nieto, DepED Information Officer na hindi naman pinagbabawalan ang mga kandidato na dumalo sa graduation rites basta huwag lang nila itong gawing political rally.

Dagdag pa ni Nieto na mas mabuting turuan ang mga bata ang maging ehemplo sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinapatupad na batas.

Una na ring ipinaalala ang Deped ang ipinapatupad ang “no collection policy” sa mga magtatapos dahil maaari namang kuhain sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang lahat ng gagastusin sa graduation.

Speak Your Mind

*