Mga kandidato sa Election 2016, puspusan na ang pangangampanya

Puspusan na ang pangangampanya ng mga kandidato sa pagka-pangulo at bise pangulo dalawang araw makaraang opisyal na magsimula ang campaign period.

Sa ikatlong araw ng kampanya, nilibot ni Senadora Grace poe ang Batac, Ilocos Norte kasama ang senatoriable na si Isko Moreno.

Sinagot rin ni Poe ang katanungan ng mga estudyante nang magtungo siya sa mariano marcos state university.

Napuno naman ang covered court ng San Sebastian College sa Cavite nang magtungo rito si Veice President Jejomar Binay kasama ang ka-tandem na si Senador Gringo Honasan.

Inendorso naman ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga opisyal ng barangay ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas nang dumalo ang dalawa sa National Assembly and Forum on Bottom-Up Budgetting.

Mga tricycle drivers naman ang sinuyo ni Davao Mayor Rodrigo Duterte at ang running mate nitong si Senador Peter Allan Cayetano sa lungsod ng Pasig.

Samantala, bagama’t hindi kasama ni Senador Bongbong Marcos si Senadora Miriam Santiago, aktibo naman nitong ikinampanya ang running mate.

Speak Your Mind

*