Mga proyekto ng DSWD region 1, ipinasakamay na sa bayan ng Burgos

Ipinasakamay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region One ang limang kumpletong sub-project sa lokal na pamahalaan at limang barangay sa bayan ng Burgos.

Ito ay bahagi ng pagpapatupad ng DSWD ng kapit-bisig laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) – National Community Driven Development Program.

Isinagawa ang hand-over ceremony sa ORBOS Gym sa pangunguna nina DSWD Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo at Burgos Mayor Alberto Guiang Jr.

Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng kokretong Barangay Road sa San Pascual, Papalasen at San Vicente.

Gayundin ang labing-aninm na units ng water system o gripo sa barangay sapa pequena at sa poblacion naman ay ang isang unit ng Day Care Center.

Noong Enero ay ipinasakamay na rin ang konkretong barangay road sa San Miguel.

—-

Nagpasalamat si Mayor Alberto Guiang JR. ng bayan ng Burgos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region one sa mga proyektong ibihagi sa kanilang bayan sa ilalim ng Kalahi-Cidss – National Community Driven Development Program.

Sinabi ni Mayor Alberto Guiang Jr. na sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga nabanggit na proyekto ay muling napatunayan ng kanyang mga kababayan ang espiritu ng bolunterismo.

Sa pagsasagawa ng mga proyekto ay nakipagtulungan ang mga barangay volunteers para maisakatuparan ang nakatakdang programa sa ilalim ng Kalahi-CIDSS.

Ang nabanggit na mga proyekto ay anti-poverty alleviation program ng gobyerno para guminhawa ang buhay ng mga nasa barangay.

Ayon kay mayor Guiang tagumpay ang mga ipinatupad na programa sa pagtutulungan ng DSWD, lokal na pamahalaan at barangay officials na naglaan ng pundo, at ang pagkukusang pagta-trabaho ng mga mamamayan.

Speak Your Mind

*