Mga tinamaan ng New Castle Disease, dahil umano sa kanilang kapabayaan

Kapabayaan ng mga nag-aalaga ng manok kung bakit marami ang tinamaan ng new Castle Disease (NCD) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian, ang mga naapektuhan ng ncd ay mga manok na hindi nabakunahan kung saan umabot ito sa may 120,000.

Dagdag pa ni Perez na walang kumukuhang bakuna sa kanilang tanggapan noong narami pa silang stock at kung kilan lang magkakasakit ang mga alagang manok ay saka naghahanap ng bakuna.

Nilinaw naman ng Provincial Veterinary na kontrolado ang kaso ng NCD sa Pangasinan dahil maliit lamang ang naitalang bilang sa mahigit isang milyong manok na inaalagaan sa lalawigan.

Tiniyak di ni Perez na hindi magkakaubusan ng bakuna laban sa NCD dahil inaasahan pa nila ang paparating na karagdagang bakuna mula sa DA-Region 1.

Speak Your Mind

*