Mga tindera ng puto sa Calasiao, pinaplanong pagsuutin ng uniporme

Puto Calasiao

Pinaplano ng lokal na pamahalaan ng Calasiao, Pangasinan na ipatupad ang pagsusuot ng uniporme ng mga tindera ng puto.

Ayon kay Verliza Abila, Tourism Officer ng Calasiao hangad ng munisipyo na maging kaaya-aya ang mga nagtitinda sa puto stalls at maipatupad ang proper food handling.

Kaya bukod sa uniporme o apron ay magsusuot din ang mga tindera ng mask at gloves.

Sinabi ni Abila na plano ng lokal na pamahalaan na magbibigay ng libreng uniporme sa mga tindera ng puto at ang isang set din ay ibibigay naman ng mga may-ari ng puto stalls sa kanilang tindera.

Ipapatupad rin aniya ang color coding na uniporme kada araw at ipagbabawal na ang pagsusuot ng mga tindera ng shorts at palda.

Speak Your Mind

*