Militanteng estudyante, nagkasa ng protesta laban sa pagtaas ng matrikula

Nagkasa ng malawakang protesta ang grupo ng mga militanteng estudyante laban sa pagtataas ng matrikula.

Ayon sa tagapagsalita ng Grupong Anakbayan na si Vencer Crisostomo, ilulunsad ang pambansang walk-out ng mga estudyante matapos lumabas sa pag-aaral ng Kabataan Partylist na halos dumoble ang tuition rates ng iba’t ibang paaralan sa ilalim ng termino ni Pangulong Aquino.

Kinontra naman ni Kabataan Partylist First Nominee Sarah Elago ang pahayag ng Commission on Higher Education na umano’y pre-mature ang ikinakasang protesta.

Ayon kay Elago, makatwiran umano ang nasabing protesta dahil sa patuloy na pag-sirit ng martikula sa kolehiyo.

Nakatakdang ilunsad ng mga militanteng grupo ang walk-out sa a-bente kwatro ng Pebrero at a-onse ng Marso.

Speak Your Mind

*