Million Volunteer Run ng PRC-Pangasinan, patuloy

Patuloy ang pagsasagawa ng Million Volunteer Run ng Philippine Red Cross (PRC) para mahikayat ang mamamayan ng suportahan ang ipapatupad nilang mga proyekto, programa at aktibidades.

Ayon kay Ging Magalong, Chapter Administrator ng PRC-Pangasinan nais nilang ipakita sa nasabing proyekto na maraming tutulong na mga volunteers ang PRC sa hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi pati na rin sa normal times para maipakita ang bayanihan.

Hangad ng PRC aniya na mapataas ang kahalagahan ng bolunterismo at pagbibigayan habang bata pa ang isang tao.

Sa Million Volunteer Run ay naipapakita at naipapadama sa komunidad ang kahalagahan ng PRC.

Sinabi ni Magalong na ngayong taon ay magdiriwang ang PRC-Pangasinan na naka-base sa lungsod ng Dagupan ng 69th Year Anniversary.

Ang PRC-Pangasinan ay isa sa mga labing-limang chapters ng Red Cross na naitatag sa labas ng PRC National Headquarters.

Speak Your Mind

*