Mobile PDOS, isasagawa ng Commission on Filipinos Overseas sa Pangasinan

Magsasagawa ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) ng dalawang araw na Mobile PDOS sa Pangasinan para sa mga permanent migrants.

Itinakda ito sa Marso a-syete at a-otso, at gaganapin sa Provincial Employment and Service Office (PESO) sa Capitol Compound, bayan ng Lingayen.

Ang PDOS ay isang komprehensibong dalawang oras na seminar para sa mga Filipino Migrants.

Layon nito na matulungan ang mga migrants na makapag-adjust agad sa kanilang pupuntahang bansa.

Kasamang ituturo sa seminar ang panuntunan sa pagbiyahe, immigration procedures, cultural differense, settlement concerns, employment and social security concerns, gayundin ang karapatan at obligasyon ng Filipino Immigrants.

Katuwang ng Commission on Filipinos Overseas ang Provincial Government ng Pangasinan sa pagsasagawa ng Mobile PDOS.

Speak Your Mind

*