Nagdonate ng dugo sa Pangasinan, wala pa sa 20% ng voting population

Wala pang dalawampung porsyento sa voting population ng pangasinan ang nagdodonate ng kanilang dugo.

Ito ang kinumpirma ni Floramae “Ging” Magalong, Chapter Administrator ng Philippine Red Cross (PRC) –Pangasinan kasabay ng paghikayat sa mamamayan na suportahan at makiisa sa paglikom nila ng dugo.

Ayon kay Magalong, nitong Disyembre at Enero ay nangailangan ang PRC ng karagdagang suplay ng dugo dahil mataas naman and pangangailangan ng mga nagpapa-light dialysis.

Iginiit niya na ang pagsalba ng buhay ay hindi lamang responsabilidad ng Provincial Health Office at PRC kundi ng lahat dahil ito ay maituturing na kadakilaan na pagpapakita ng pagmamahal sa bawat isa.

—-

 

Speak Your Mind

*