Nagpapadala ng Valentine’s Card, marami parin sa Dagupan City Post Office

valentine cardIsang araw matapos ang valentine’s Card, kinumpirma ng Postmaster ng Dagupan City Post Office na marami pa ring nagpadala ng Valentine’s Card.

Ayon kay Diosdado Garcia, karamihan sa mga nagpapadala ay ang mga adults dahil ang nakahiligan naman na ngayon ng mga kabataan sa pagpapadala ng mensahe ay sa pamamagitan ng modernong teknolohiya.

Sa panayam ng sonshine radio ay sinabi pa ni Garcia na by nature kasi ang mga Pilipino ay romantiko kaya nagpapadala pa rin ng Valentine’s Card.

Dagdag pa ni Garcia na mas maganda pa rin ang pagpapadala ng mensahe sa nakagawian na dahil maitatago at magtatagal pa ang mga mensahe.

Samantalang kapag sa mga gadgets idinaan ang mensahe ay maaring mayroong virus ang teknolohiya at mabubura na ito.

—-

Kinumpirma ng Dagupan City Post Office na nag-downsized ang kanilang operations sa paglitaw ng bagong gadgets.

Sa panayam ng sonshine radio kay Diosdado Garcia, Postmaster ng lungsod ng Dagupan ay hindi lamang ang Pilipinas ang nag-downsized ng operasyon ng Postal Office kundi worldwide kasama na ang Estados Unidos.

Gayunman marami pa rin aniyang transaksyon na isinasagawa sa Post Office dahil hindi lamang sulat ang mga ipinapadala kundi pati na rin mga business mails na ang kanilang mga patrons ay financial institutions, pati na rin mga Statement of Accounts.

Mayroon ring mga special services ang Post Office gaya nitong valentine’s day ay personal nilang idini-deliver ang mga regalo ng kanilang kliyente sa kanilang minamahal.

Kadalasan sa mga ipina-deliver ay bulaklak at tsokolate.

Speak Your Mind

*