Nakawan, panibago umanong modus sa NAIA

May panibago na namang kaso ng nakawan sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa panayam ng sonshine radio kay Ann Margaret Anthony, naglabas ito ng hinaing dahil sa umano’y nawalang pera nang ipa-x-ray ang hand-carry bag.

Ayon sa pinay, alas otso ng umaga ng Pebrero a-bente siyete ng mangyari ang umano’y pagnanakaw.

Dagdag pa ni Anthony, nalaman niya ang pagkawala ng wallet ng naglalaman ng 98,000 pesos at mga credit at debit cards nang magtungo siya sa ticketing counter ng cebu pacific na hindi aniya kalayuan sa x-ray at scanner area.

Bagamat aminadong walang pruweba, naniniwala si Anthony na nawala ang kanyang wallet sa x-ray at scanner area ng NAIA Terminal three.

Ayon pa sa Pinay, tila hindi siya pinapansin ng mga nilapitang Airport Officials para idulog ang nangyari sa kanya.

Nagsampa na ng reklamo si Anthony kaugnay ng insidente.

Speak Your Mind

*