Nararanasang mataas na presyo ng manok, pansamantala lang

Pansamantala lamang ang nararanasang mataas na presyo ng manok sa mga pamilihan.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture Undersecretary for Livestock Joe Reaño, dahil sa problema sa newcastle disease kayat umaabot sa P140 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo ng manok.

Nilinaw naman ni Reaño posibleng ngayong linggo lamang mataas ang presyo ng manok at sa susunod na mga linggo ay mababa na muli ang presyo nito.

Pansamantala, payo ni Reaño sa publiko, baboy, isda o gulay na lamang muna ang bilhin habang mahal pa ang presyo ng manok.

Nitiyak din ng DA na walang magiging kakulangan ng suplay ng karneng manok.

Speak Your Mind

*