Natamong mga Awards, ipinagmalaki ni Gov. Espino sa kanyang SOPA

Gov. EspinoIpinagmalaki ni Gov. Amado Espino Jr. sa kanyang State of the Province Address ang kanyang mga nagawa sa loob ng halos siyam na taon na panunungkulan.

Sa huling ulat sa bayan ng gobernador na isinagawa kahapon sa Capitol Plaza sa bayan ng Lingayen ay binanggit niya ang mga nakamit na parangal ng probinsya sa rehiyon at buong bansa.

Kabilang na rito ang pagkilala sa Human Resources Management and Development Officer bilang Most Outstanding Human Resources Management Practitioners sa rehiyon uno.

Noong nakaraang taon ay naging 2015 National Hall of Fame Best Provincial Employment Services Office – first class province category, Most Outstanding Provincial Accounting Office noong 2008 hanggang 2013, gayundin ang pagiging National Awardee for Best Tourism Practices mula pa noong 2012 at iba pa.

Ipinagmalaki rin ni Espino sa kanyang State of the Province ang mga pag-unlad sa hanay ng agrikultura, pangkalusugan, impra-istraktura, isports, environment  at iba pa.

—–

Isa sa nabanggit ni Gov. Amado Espino Jr. sa kanyang huling ulat sa bayan kahapon ay ang pagtaas ng bilang ng turista sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinabi ni Espino na mula sa bilang na 141,928 na bisita at turista noong 2008 ay umakyat ito sa mahigit 6.4 million noong nakaraang taon.

Ang nasabing datos aniya ay galing sa official record ng tourism destinations at accomodations facilities sa Pangasinan.

Ang Pangasinan ngayon ang pinupuntahan ng pinaka-maraming turista at mga bisita sa buong rehiyon uno.

Ang mga pangunahing pinapasyalan ay ang Basilica ng birheng Manaoag, kasunod ng Capitol Complex sa bayan ng Lingayen at ang Hundred Islands sa Alaminos City.

—-

Binigyang diin ni Gov. Amado Espino Jr. sa kanyang State of the Province Address o panghuling ulat sa bayan na magaan ang kanyang kalooban sa pagtatapos ng kanyang termino.

Sinabi ni Espino na ito ay dahil iiwanan niya sa susunod na gobernador ang isang lalawigan na mas maganda, mas maayos, mas maunlad, mas marangal at ngayon ay tinitingala na sa buong bansa.

Ayon pa sa gobernador, iiwanan niya ang mga mamamayan at mga anak ng pangasinan, na mas maganda ang katayuan, buo ang loob, tunay na nagmamahal, at nagmamalasakit sa sariling bayan.

Payo nito sa libu-libong pangasinenses na dumalo sa kanyang panghuling ulat sa bayan na huwag hayaang masira, huwag sayangin, bigyan ng tama at matibay na pagpapahalaga, ang lahat ng pagbabago na naipundar para maging matatag at maitaas ang katayuan ng lalawigan.

Speak Your Mind

*