Nyoy Volante at stage actress Mikkie Bradshaw, ikinasal na

Opisyal na ngayon na mag-asawa ang singer na si Nyoy Volante at stage actress na si Mikkie Bradshaw.

Ito ay matapos ang kanilang pag-iisang dibdib sa Manila Cathedral na susundan ng reception sa Baluarte de San Diego sa Intramuros.

Ilan sa mga dumalo sa naturang kasal ay sina Luke Mejares at RNB Prince na si Jay-R.

Taong 2014 nang mag-propose ng kasal si Volante sa nasabing aktres sa pamamagitan ng fairy tale book kung saan nasa hardback cover nakalagay ang engraved container para sa singsing.

Speak Your Mind

*