OFW Credit Cooperative sa Pangasinan, nabuo na

Nabuo na ang OFW Family Association sa 44 na bayan at tatlong syudad sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Employmen Services Office (PESO) Manager Alex Ferrer at ang mga OFW Association ay rehistrado sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Pagkatapos ay binuo na rin ng PESO ang Pangasinan OFW Association na ang mga miyembro ang mga presidente ng OFW Family Associations.

Para naman magkaroon ng investment vehicle para ang mga dating OFW o mga OFW sa kasalukuyan at mga Overseas Filipino, ibig sabihin ay immigrant at permanent resident ay may pagkakitaan ng kanilang sobrang pundo ay binuo ang OFW Credit Cooperative.

Pakay naman na ito ay maging multi-purpose cooperative na makikibahagi sa agri business pati na rin agricultural production at input, rice distribution, milling and procurement.

Layon nito na mas magkaroon ng magandang presyo ang mga magsasaka sa pagagamitan ng murang halaga hindi lang para sa kanila kundi pati na rin sa komunidad.

Speak Your Mind

*