OFW na lalahok sa absentee voting, posibleng mabigyan ng resibo

OFWMaaaring mabigyan ng resibo ang mga OFW na lalahok sa overseas absentee voting sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pinag-aaralan nila ang posibilidad na magkaroon ng resibo ang mga overseas voters.

Ito aniya, ay dahil aabutin ng 30 araw o isang buwan ang kanilang pagboto.

Inaasahan ng Comelec na makikilahok ang may 1 milyong Pilipino na nasa ibayong dagat sa overseas absentee voting na magsisimula sa Abril 9.

Kasabay nito, tiniyak ni Bautista na hindi na sila magbibigay ng resibo sa araw ng botohan sa mga lokal na botante sa araw ng halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Bautista, makikita naman ng mga botante sa verification on screen kung tama ang resulta ng kanilang binoto.

Ipinag-utos din ng Korte Suprema sa Comelec na magkomento sa petisyon ng kampo ni Senatoriable Dick Gordon na mag-siyu ng resibo sa mga botante.

Una nang sinabi sa Sonshine radio ni Joint Congressional Committee on Automated Election Chairman Senator Koko Pimentel na mas mainam na gamitin ang isa sa naturang feature ng VCM para hindi rin masayang ang halagang ipinang-renta sa mga makina.

Speak Your Mind

*