One Town One product ng DTI, isinusulong ang produktong gawa sa Cordillera

Patuloy ang isinasagawang One Town One Product o OTOP program ng Department of Trade and Industry, sa lungsod ng Makati.

Layon ng programang ito na ipagmalaki ang mga produktong galing pa sa mga bulubundukin ng Cordillera.

Ang exhibit na ito ay katatampukan ng mga loomwoven products o yung mga hinahabi, mga kape, processed foods, furniture, gulay at prutas na inangkat pa sa Cordillera.

Iniimbitahan na lahat ng manufacturers, producers at distributors na makibahagi sa exhibit ng ahensya, sa DTI Building, Makati City, na inaasahang magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan Abril.

Speak Your Mind

*