OPAG, namahagi ng mga gulay at seedlings sa Employee’s Family Day

Namigay ang Office of the Provincial Agriculture (OPAG) ng mga buto ng gulay at seedlings na namumunga sa naganap na Provincial Government Employee’s Family Day.

Sa panayam ng sonshine radio kay Gloria de Guzman, Agricultural Center Chief ng Agriculture Office sa bayan ng Sta. Barbara kabilang sa mga buto na ipinamahagi nila ay ang okra, petsay, sitaw at upland kangkong.

Ayon kay de Guzman, mahalaga ang distribusyon ng buto sa food production at malaking mapagkukuhanan ng sustansya ang mga gulay.

Dagdag niya na pwede itong pagkakitaan at ang pagtatanim ay magiging daan para sa mas mahigpit na relasyon ng magpamilya.

Samantala, ang mga seedlings naman na ibinigay ng opag ay kinabibilangan ng langka, kasoy, mabolo, chico, guyabano at lemon.

 

Speak Your Mind

*