Oplan baklas ng MMDA sa mga illegal campaign materials, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang Oplan Baklas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga illegal campaign materials ngayong eleksyon.

Ngayong umaga, sinuyod ng mga tauhan ng MMDA at Department of Public Works and Highways ang lungsod ng Mandaluyong upang baklasin ang mga illegal posters ng mga kandidato.

Sunod na tutulak ang MMDA sa lungsod ng San Juan para pa rin sa Oplan Baklas.

Una nang pinagbabaklas ng MMDA ang mga illegal campaign materials sa España Boulevard sa Maynila, Araneta Avenue at E. Rodriguez Avenue sa Quezon City at sa ilang bahagi ng Makati City.

Umabot na rin sa mahigit dalawang toneleda ng mga campaign materials ang nakolekta ng mmda mula nang ipatupad ang Oplan Baklas.

Speak Your Mind

*